WEATHER UPDATE | Kahit hindi pa summer season, panahon, painit na ng painit

Manila, Philippines – Bagama’t hindi pa opisyal na naidedeklara ang summer season, painit nang painit na ang nararamdaman nating panahon.

Kahapon, naitala ng PAGASA ang pinakamainit na temperatura sa San Jose, Occidental Mindoro na umabot sa 36.2 degrees Celsius.

35.9 degrees Celsius naman ang naitala sa Tuguegarao at 35.8 degrees Celsius sa Cabanatuan.


Sa Metro Manila ang maximum temperature kahapon ay umabot sa 34.7 degrees Celsius ganap na alas 3:00 ng hapon.

Ayon sa PAGASA ngayong araw, mainit at maalinsangang panahon pa rin ang iiral sa buong bansa dahil sa Easterlies.

Facebook Comments