Manila, Philippines – Wala nang binabantayang bagyo ang PAGASA sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) matapos makalabas kahapon ang bagyong Agaton.
Pero kahit wala ng sama ng panahon, patuloy pa ring mararanasan ang isolated rainshower sa Bicol Region at Samar Provinces dahil sa Tail End ng Cold Front.
Habang asahan din ang mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan sa Cagayan Valley, Cordillera gayundin sa Aurora dulot naman ng Northeast Monsoon o hanging amihan.
Dito sa Metro Manila at iba pang bahagi ng Luzon, magiging makulimlim sa buong maghapon at asahan din ang mahihinang ulan pagsapit ng hapon.
Sa Mindanao at nalalabing bahagi ng Visayas, posible ang Isolated Thunderstorm.
Sa ngayon kahit wala ng bagyo, patuloy na nakataas ang gale warning sa baybayin ng Northern Luzon, Eastern part ng Central Luzon gayundin sa Southern Luzon at Visayas Region. Kaya hindi muna pinapayagan ang may maliliit na sasakyan pandagat na maglayag dahil magiging maalon ang karagatan.
Sunrise – 6:22AM
Sunser – 5:39PM