WEATHER UPDATE | Kahit nakalabas na ang Bagyong Karding, hanging habagat, patuloy pa ring magpapa-ulan sa Luzon at Visayas

Manila, Philippines – Patuloy pa ring magdadala ng pag-ulan ang hanging habagat sa Luzon at Visayas.

Ito ay kahit nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong karding na huling namataan sa layong 625 kilometers, hilagang silangan ng Extreme Northern Luzon.

Makakaranas pa rin ng monsoon rains sa Metro Manila, Batanes, Babuyan group of islands, Ilocos Region, Cordillera, Central Luzon, CALABARZON, at MIMAROPA.


Maulap na may kalat-kalat na thunderstorms ang mararanasan sa Western Visayas at natitirang bahagi ng Luzon.

Ang Mindanao at natitirang bahagi ng Visayas ay asahan ang maulap na panahon na may paminsan-minsang pag-ulan dulot ng localized thunderstorms.

Facebook Comments