Manila, Philippines – Patuloy na magpapaulan sa Kanlurang bahagi ng Luzon ang hanging habagat.
Asahan ang ulang hatid ng habagat sa Ilocos Region, Cordillera, Batanes, at Babuyan group of islands, gayundin sa Zambales at Bataan.
May localized thunderstorms sa silangang bahagi ng Luzon.
Sa Metro Manila at natitirang bahagi ng Luzon ay magiging maganda ang panahon.
Sa Visayas at Mindanao, maaliwalas din ang panahon maliban sa isolated thunderstorms.
Nakataas ang gale warning sa mga baybayin ng Batanes, Babuyan Group of Islands, Cagayan, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Zambales, Bataan, Isabela at Aurora.
Samantala, isinailalim na sa state of calamity ang lalawigan ng Ilocos Norte dahil sa patuloy na nararanasang pag-uulan
Umabot na sa 111 milyong pisong kabuuang halaga ng pinsala sa agrikultura at imprastratura sa lugar habang mahigit 14,000 residente naman ang apektado.