Makakaranas ng katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan ang Eastern Visayas, Caraga at mga probinsya ng Cebu at Bohol, na dala ng binabantayang Low Pressure Area (LPA).
Huling namataan ang LPA, 900 kilometro silangan ng Surigao City.
Habang sa Cagayan Valley, Aurora, Quezon, Bicol Region, Northern Mindanao at nalalabing lugar sa Visayas ay makakaranas naman pulo–pulong mahina hanggang katamtamang pagulan.
Walang nakataas na gale warning, kaya at malayang makakapaglayag ang mga mangingisda at maliliit na sasakyang pandagat.
Facebook Comments