WEATHER UPDATE | Lakas ng bagyong Samuel, napanatili

Napanatili ng Bagyong Samuel ang lakas nito habang kumikilos papuntang Samar-Leyte-Dinagat area.

Alas 10:00 kaninang tanghali, huling namataan ang bagyo sa layong 335 kilometers silangan ng Maasin City, Southern Leyte.

Kumikilos ito pa-West Northwest sa bilis na 20 kilometers per hour taglay ang lakas ng hanging aabot sa 55 kph at pagbugsong 65 kph.


Nakataas pa rin ang storm warning signal no.1 sa:

Luzon:
– Masbate kasama ang Ticao Island
– Romblon
– Southern Oriental Mindoro
– Southern Occidental Mindoro
– Northern Palawan kasama ang Cuyo Island at Calamian Group of Islands

Visayas:

– Northern Samar
– Eastern Samar
– Samar
– Biliran
– Leyte
– Southern Leyte
– Bohol
– Cebu
– Siquijor
– Negros Oriental
– Negros Occidental
– Guimaras
– Iloilo
– Capiz
– Aklan
– Antique

Mindanao:

– Dinagat Islands
– Surigao Del Norte
– Surigao Del Sur
– Agusan Del Norte
– Agusan Del Sur
– Misamis Oriental
– Camiguin

Asahan ang katamtaman hanggang malakas na mga pag-ulan na posibleng magdulot ng pagbaha at landslide sa mga nabanggit na lugar.

Bawal ding pumalaot ang maliliit na sasakyang pandagat dahil sa malakas na alon.

Facebook Comments