WEATHER UPDATE | Lakas ng TY Ompong napanatili habang tinatahak ang Cagayan-Isabela area

Napanatili ng typhoon Ompong ang lakas nito habang tinatahak ang Isabela-Cagayan area.

Huling namataan ang mata ng bagyo sa layong 540 kilometers silangan ng Baler, Aurora.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 205 kilometers per hour at pagbugsong 255 kph.


Kumikilos ang bagyo pa-hilangang kanluran sa bilis na 20 kph.

Nakataas pa rin ang signal no.3 sa Cagayan kabilang ang Babuyan Group of Islands, Apayao, Abra, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Nueva Vizcaya, Quirino at Northern Aurora.

Signal no.2 naman sa Batanes, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Benguet, Pangasinan, Tarlac, Nueva Ecija, Southern Aurora at Norther Zambales.

Habang signal no.1 sa Southern Zambales, Pampaga, Bulacan, Bataan, Metro Manila, Cavite, Batangas, Laguna, Rizal, Quezon kasama ang Polillo Island, Northern Occidental Mindoro kasama ang Lubang Island, Northern Oriental Mindoro, Masbate, Marinduque, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Albay, Sorsoson, Burias at Ticao Islands at Northern Samar.

Bukas ng umaga, inaasahang magla-landfall ang bagyo sa Cagayan-Isabela area.

Facebook Comments