WEATHER UPDATE | Low Pressure Area, namataan sa labas ng Philippine Area of Responsibility

Manila, Philippines – Isang Low Pressure Area (LPA) ang namataan sa labas
ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Ayon sa Japan Meteorological Agency (JMA), nasa Timog-silangan ito ng Guam.

Posibleng maging bagyo ang LPA pero hindi ito papasok ng PAR.


Ayon naman sa PAG-ASA, ang trough o buntot ng LPA ay magdadala ng
katamtaman hanggang sa malalakas na pag-ulan sa silangang bahagi ng
Mindanao.

Umiiral din ang easterlies sa silangang bahagi ng bansa.

Sa Metro Manila, mainit at maalisangan pa rin kung saan papalo sa 37°c ang
heat index.

Sunrise: 6:00 ng umaga

Sunset: 6:07 ng gabi

<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments