Papalapit ng bansa ang binabantayang Low Pressure Area (LPA).
Huli itong namataan sa layong 2,060 kilometers silangan ng Kabisayaan.
Ayon kay DOST-PAGASA Weather Specialist Meno Mendoza, posibleng pumasok sa PAR ngayong weekend at mataas ang posibilidad nitong maging bagyo.
Sa ngayon, umiiral pa rin ang Intertropical Convergence Zone (ITCZ).
Magdudulot ito ng thunderstorms sa katimugang Luzon, halos buong Visayas, at malaking bahagi ng Mindanao.
Mataas pa rin ang tiyansang umulan sa Metro Manila at natitirang bahagi ng Luzon.
Facebook Comments