WEATHER UPDATE | LPA, inaasahang papasok ngayong araw

Manila, Philippines – Ngayong araw inaasahang papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Low Pressure Area (LPA) na binabantayan ng PAGASA.

Ayon sa weather bureau, posibleng maging bagyo ang LPA, araw ng Linggo o Lunes habang nasa loob ng PAR.

Kung hindi magbabago ang direksyon ng LPA, bukas palang ay mararamdaman na ang ulang dala nito sa Eastern Visayas, Caraga, Davao at Northern Mindanao.


Patuloy namang nakakaapekto ang southwest monsoon o hanging amihan sa Northern at Central Luzon.

Habang tail end ng cold front ang umiiral sa Southern Luzon at Visayas na magdadala ng isolated rainshower sa Cagayan Valley, probinsya ng Aurora at Quezon kasama na ang Palawan.

Uulanin rin ang Cordillera region at sa Bicol region.

Dito sa Metro Manila, magiging makulimlim pero mababa ng tyansa ng ulan ngayong weekend.

Nakataas ang gale warning sa Northern at Eastern Seaboard ng Luzon kasama na ang Eastern Seaboard ng Visayas hanggang Oriental Mindoro kaya delikadong maglayag sa mga may maliliit na sasakyang pandagat.

Baguio – 15 °c
Tagaytay – 19 °c
Metro manila – 23 °c

Facebook Comments