Maliit na ang posibilidad na maging bagyo pa ang binabantayang Low Pressure Area (LPA) nasa loob ng bansa.
Namataan ito sa layong 660 kilometers silangan ng Basco, Batanes.
Ayon kay DOST-PAGASA Weather Specialist Chris Perez – bagamat, walang epekto ang LPA sa bansa, ang easterlies ay nagdadala ng thunderstorms sa silangang bahagi ng Visayas at Mindanao.
Sa Luzon kasama ang Metro Manila, asahan ang mainit na panahon na may tiyansa ng pag-ulan sa hapon o gabi.
Maganda naman ang panahon sa natitirang bahagi ng Kabisayaan at Mindanao.
Facebook Comments