WEATHER UPDATE | LPA na nasa loob ng PAR, palalakasin at hahatakin ang hanging habagat

Patuloy pa ring binabantayan ang Low Pressure Area (LPA) na nasa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Huling namataan ang LPA sa layong 760 kilometers, silangan ng Butuan City, Agusan del Norte.

Sakaling maging bagyo ay tatawagin itong ‘Domeng’.


Pero base sa Japan Meteorological Agency, itinuturing na nila itong tropical depression.

Tatahakin nito ang Luzon na siyang magpapalakas at hahatak sa habagat.

Asahan ang maghapong ulan sa Bicol Region, Northern Luzon, Kabisayaan at Mindanao.

Sa Metro Manila, maalinsangan pa rin ang magiging panahon.

*Sunrise: 5:26 ng umaga* *Sunset: 6:23 ng gabi*

Facebook Comments