Binabantayan ang isang Low Pressure Area (LPA) na nasa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Huli itong nakita sa 630 kilometers, silangan ng Guiuan, Eastern Samar.
Nagdudulot ng pag-ulan ng trough o buntot ng LPA sa Bicol Region, Visayas at Mindanao.
Katamtaman hanggang sa malalakas na ulan ang asahan sa Bicol Region at iba pang bahagi ng southern Luzon.
Sa Visayas, mas apektado ng ulan ang Samar at Leyte habang sa Mindanao ay ang Compostela Valley, Bukidnon at Davao.
Ang Metro Manila ay magiging mainit ang panahon.
Samantala, ang typhoon Jebi na nasa labas pa ng PAR ay nasa 2,700 kilometers silangan ng Extreme Northern, Luzon.
Sunrise: 5:44 ng umaga
Sunset: 6:09 ng gabi
Facebook Comments