Manila, Philippines – Posibleng pumasok na sa bansa ng binabantayang Low Pressure Area na nasa labas pa ng bansa.
Huling namataan ng PAGASA ang LPA sa 975 kilometers east ng Mindanao.
Mabubuo din ito bilang isang ganap na bagyo pagpasok sa bansa at papangalanang Vinta.
Sa December 22, araw ng Biyernes ay inaasahang magla-landfall ang bagyo sa southern part ng Mindanao.
Pero bago ang pagtama sa kalupaan, lalakas pa ang bagyo at magiging isang tropical storm.
Sa ngayon apektado na ng extension ng nasabing lpa ang silangang bahagi ng Mindanao.
Facebook Comments