WEATHER UPDATE | LPA, nasa silangan na ng Bicol region

Nasa silangan ng Bicol region na ang Low Pressure Area (LPA).

Ito ay nasa 435 kilometers silangan ng Legazpi, Albay.

Mababa ang tiyansa na maging bagyo pero patuloy itong lumalapit sa silangang bahagi ng hilagang luzon.


Mahina hanggang sa katamtamang ulan ang dala ng extension ng LPA sa Bicol region at Eastern Visayas.

Ang Ilocos region pa rin ay uulanin ng hanging habagat.

May maghapong ulan din sa natitirang bahagi ng Visayas at Zamboanga Peninsula.

Sa Metro Manila, posibleng umulan sa hapon o gabi.

*Sunrise: 5:28 ng umaga*
*Sunset: 6:27 ng hapon*

Facebook Comments