Manila, Philippines – Papalapit na sa Palawan ang Low Pressure Area (LPA) na dating bagyong Basyang.
Huling namataan ang bagyo sa layong 140 kilometers, south-southeast ng Puerto Princesa City.
Inaasahang tatawirin nito ang lalawigan mamayang gabi kaya mag-ingat sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa.
Apektado naman ng easterlies ang silangang bahagi ng bansa.
Asahan ang maulang panahon sa Cordillera.
Magandang gumimik ngayong biyernes sa Metro Manila dahil maaliwalas ang panahon.
Magandang panahon din sa buong Visayas at Mindanao.
Temperatura sa Metro Manila mula 23-33°c
Sunrise: 6:20 ng umaga
Sunset: 6:00 ng gabi
Facebook Comments