WEATHER UPDATE | LPA, patuloy na mino-monitor

Manila, Philippines – Patuloy na minonitor ng PAGASA ang isang Low Pressure Area (LPA) sa silangan timog-silangan ng Hinatuan, Surigao Del Sur.

Ayon sa pagasa, ang sentro ng LPA ay nasa Pacific Ocean pa pero posibleng magdulot ito ng pag-ulan sa Caraga at Davao Region.

Habang ang nalalabing bahagi ng Mindanao, silangan at gitnang bahagi ng Visayas ay maulap ang kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan.


Ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay makakaranas ng maaliwas na panahon pero makakaradam naman ng mainit na temperatura.

Sunrise: 6:16am
Sunset: 6:03pm

Facebook Comments