WEATHER UPDATE | LPA, patuloy na nagpapaulan sa Mindanao at ibang bahagi ng Visayas

Nagpapaulan na sa halos buong Mindanao ang binabantayang Low Pressure Area (LPA).

Huli itong namataan sa 235 kilometers silangan – timog silangan ng Davao City.

Ayon kay DOST-PAGASA weather specialist Ezra Bulquerin – sa ngayon mababa ang posibilidad na maging bagyo ito.


Sa Visayas, magiging maulan din dahil SA LPA.

Magiging maganda ang panahon sa halos buong Luzon maliban sa Palawan na may pag-ulan dala ng trough o buntot ng LPA.

Bagaman at walang nakataas na gale warning, pinag-iingat pa rin ang mga may maliliit na sasakyang pandagat na maglalayag sa baybayin ng northern Luzon at silangang bahagi ng Visayas at Mindanao.

Facebook Comments