Pumasok na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang binabantayang Low Pressure Area (LPA).
Ito ay namataan sa layong 955 kilometers silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.
Ayon kay DOST-PAGASA weather specialist Ariel Rojas – nagpapaulan na ang LPA sa malaking bahagi ng Mindanao at Visayas.
Itinaas ang orange rainfall warning sa mga sumusunod na lugar.
– Dinagat Island
– Surigao del Norte (kasama ang Siargao Island)
– Surigao del Sur
– Agusan del Norte
– Agusan del Sur (kasama ang Bayugan, Sibagat, Prosperidad, San Luis, Esperanza)
– Davao Oriental
– Compostela Valley
– Davao del Norte (kasama ang Samal City)
– Misamis Oriental (kasama ang Ginoog City, Magsaysay, Claveria, Talisayan, Balingoan)
– Camiguin
Nakataas naman sa yellow rainfall warning sa:
– Natitirang bahagi ng Agusan del Sur
– Natitirang bahagi ng Agusan del Norte
– Davao City
– Basilan
– Sulu
– Tawi-Tawi
– Lanao del Norte (kasama ang Nunungan)
Ang mga lugar na nasa ilalim ng heavy rainfall warning ay makararanas ng pagbaha at pagguho ng lupa.
Maaliwalas ang panahon sa buong Luzon kasama na ang Metro Manila dulot ng hanging amihan.