Binabantayan ang isang Low Pressure Area (LPA) na nasa loob ng bansa.
Namataan ito sa layong 405 kilometers silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.
Ayon kay DOST-PAGASA weather specialist Ariel Rojas – ang trough o bunto ng LPA ay nagpapaulan na sa silangang bahagi ng Mindanao.
Paglabas ng Sulu Sea ay mataas ang posibilidad na maging tropical depression ito.
At kapag nangyari ito ay tatawagin itong bagyong ‘Samuel’
Tail end of cold front naman ang umiiral sa Katimugang Luzon kasama na ang Palawan kaya asahan ang thunderstorms.
Ang malamig na hanging amihan naman ay nakakaapekto na sa malaking bahagi ng Luzon kasama ang Metro Manila.
Facebook Comments