WEATHER UPDATE | LPA sa Pacific Ocean, ganap nang tropical depression

Nalusaw ang Low Pressure Area (LPA) na nagpaulan sa Mindanao at ilang bahagi ng Kabisayaan.

Pero ayon kay DOST-PAGASA weather specialist Ariel Rojas – may nabuong bagong LPA sa nalusaw na LPA.

Namataan ito sa layong 370 kilometers south – southeast ng Puerto Princesa City, Palawan.


Magiging maulan sa Palawan dulot ng bagong LPA habang sa Batanes at Babuyan Group of Islands ay makararanas din ng mga pag-ulan dala ng hanging amihan.

Asahan ang maulang panahon sa buong Visayas, Caraga, Northern Mindanao at Zamboanga Peninsula at Sulu Archipelago.

Samantala, ganap nang bagyo o tropical depression ang LPA na binabantayan sa Pacific Ocean.

Nasa 2,715 kilometers ito silangan ng Mindanao, taglay ang lakas ng hanging nasa 45 kilometers per hour at pagbugsong 60 kph.

Inaasahang papasok ito ng bansa pagdating ng Sabado o Linggo.

Facebook Comments