WEATHER UPDATE | LPA sa Surigao del Sur, patuloy ang paglakas

Nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang isa sa dalawang Low Pressure Area (LPA) na binabantayan ng PAGASA na nasa Palawan.

Habang ang isa pang LPA ay nasa silangan pa rin ng Mindanao ay namataan 580 kilometers silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.

Dahil dito, makararanas ng isolated rain shower at thunderstorm ang Visayas at Mindanao.


Inaasahan din ang thunderstorm sa probinsya ng Romblon.

Malaki ang tyansa na maging ganap na bagyo ang nasabing LPA at maging tropical depression sa loob ng dalawa hanggang tatlong araw.

Ayon sa Weather Bureau, posible nang ideklara na ang rainy season sa pagitan ng June 4 hanggang June 14.

Facebook Comments