WEATHER UPDATE: Lumakas pa ang bagyong #JulianPH habang tinutumbok ang Batanes at Babuyan Islands

This slideshow requires JavaScript.

Sa huling pagtaya ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration – Department of Science and Technology (PAGASA-DOST), namataan ang sentro ng bagyo sa layong 125 kilometro timog silangan ng Basco, Batanes.

Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 150 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong 185 kilometro kada oras.


Kumikilos ito pa-kanluran sa bilis na 15 kilometers per hour.

Sa ngayon, nakataas na ang Signal No. 4 sa #Batanes at hilagang silangang bahagi ng #BabuyanIslands.

Signal No. 3 naman sa nalalabing bahagi ng Babuyan Islands habang Signal No. 2 sa Mainland Cagayan, Apayao at Ilocos Norte.

Samantala, nasa Signal No. 1 ang Ilocos Sur, La Union, Abra, Kalinga, Ifugao, Mountain Province, Benguet, Isabela, Nueva Vizcaya, Quirino, maging ang hilaga at gitnang bahagi ng Aurora.

Facebook Comments