Habagat pa rin ang nakakaapekto sa Luzon at Western Visayas.
Dahil dito, patuloy na makararanas ng katamtaman hanggang malakas na pag-ulan at isolated thunderstorm sa Metro Manila, Ilocos Region, Benguet, Zambales, Bataan, Rizal, Cavite at Batangas.
Payo ng PAGASA, maging alerto sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa.
Kalat-kalat na pag-ulan naman ang iiral sa nalalabing bahagi ng Luzon at Western Visayas.
Habang magandang panahon ang mararanasan sa nalalabing bahagi ng Visayas at buong Mindanao.
Ang agwat ng temperatura sa Metro Manila, 24 to 28 degrees Celsius.
Facebook Comments