Manila, Philippines – Mainit na panahon na may madalas na thunderstorms ang mararanasan ngayong araw.
Maaliwalas ang panahon sa Luzon maliban sa mahihinang ulan sa Mimaropa at Bicol region.
Asahan ang thunderstorms sa Northern Luzon.
Maghapon ang ulan sa Eastern at Central Visayas.
Magiging maulan ang panahon sa Mindanao lalo na sa Caraga, Zamboanga at Sulu.
Nanatiling mataas ang heat index sa Cabanatuan na may 44°c.
Bandang ala-una ng hapon, iwasang magbilad sa araw dahil aabot sa 40°c ang pinarurok ng heat index sa Metro Manila.
*Sunrise: 5:26 ng umaga*
*Sunset: 6:17 ng gabi*
Facebook Comments