Asahan ang maaliwalas na panahon sa buong bansa ngayong weekend.
Pero, asahan din ang pagpasok bukas ng bagyo na nasa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Bukas ng hapon ay papasok ang tropical depression na papangalanang “Samuel”
Si Samuel ay huling namataan sa layong 1,615 kilometro silangan ng Mindanao.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 60 kilometro kada oras.
Kumikilos ito sa bilis na 20 kilometro kada oras sa direksyong pa-kanluran.
Magla-landfall ang bagyo sa Caraga o sa Eastern Visayas area sa Martes bago ito tumawid sa malaking bahagi ng Visayas, Sulu Sea at Palawan.
Facebook Comments