WEATHER UPDATE | Magandang panahon sa buong bansa, asahan ngayong araw

Magandang panahon ang iiral sa buong bansa matapos na tuluyan nang makalabas sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong Queenie.

Sa ngayon ay wala pang namo-monitor na panibagong sama ng panahon ang PAGASA na posibleng makaapekto sa bansa hanggang matapos ang weekend.

Pero sa susunod na 24 oras, asahan ang maulap na kalangitan at isolated rainshower pagsapit ng hapon o gabi dahil sa localized thunderstorm.


May nakataas pang gale warning sa mga baybaying-dagat sa northern Luzon kaya bawal pa ring pumalaot ang maliliit na sasakyang pandagat.

Samantala ayon sa PAGASA – sa susunod na linggo, magiging maganda pa rin ang panahon kaya sulitin kung may gala o ang paglalaba.

Facebook Comments