WEATHER UPDATE | Maghapong pag-ulan sa extreme northern Luzon, Ilocos Region, Zambales at Bataan, asahan ngayong araw

Umiiral pa rin ang hanging habagat sa kanlurang bahagi ng Luzon.

Pinalalakas pa rin ang habagat ng mga bagyo na nasa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Asahan ang maghapong ulan sa extreme northern Luzon, Ilocos Region, Zambales at Bataan.


May ulan na rin sa natitirang bahagi ng Luzon pagsapit ng hapon maliban sa Bicol Region.

Maganda ang panahon sa Visayas at Mindanao maliban sa mga pag-ulan sa Panay Island, maging sa northern Mindanao at Caraga Region.

Sa Metro Manila, posible ang ulan sa gabi o madaling araw.

Sunrise: 5:43 ng umaga
Sunset: 6:14 ng gabi

Facebook Comments