Manila, Philippines – Mainit at basang panahon ang mararanasan sa halos buong bansa
Ang mga pag-ulan ay dulot ng Intertropical Convergence Zone (ITCZ) at ang maalinsangang temperatura ay bunsod ng easterlies.
Magdala ng payong habang naglalakad sa pamosong sunset boulevard sa Dipolog dahil maulan sa halos buong Mindanao.
Ipagpaliban muna ang pagtungo sa Bugtong Bato Falls sa Tibiao, Antique dahil uulanin din ang kabisayaan.
Maaring pasyalan ang Malacañang of the North sa Ilocos Norte dahil maaraw ang panahon sa Luzon kasama na ang Metro Manila na may paminsan-minsang ulan.
Sa tantya ng pag-asa, mula June 4 hanggang 18 maaring ideklara na ang rainy season kapag nagsimula na ang pag-iral ng hanging habagat at nawala na ang easterlies.
Facebook Comments