Manila, Philippines – Magpapatuloy ang mainit at maalinsangang panahon sa bansa.
Ito ay dulot ng easterlies o mainit na hangin na galing sa Pacific Ocean.
Naglalagablab na temperatura ang asahan sa Tuguegarao na nasa 38°c.
Bagama’t mainit sa natitirang bahagi ng Luzon, asahan ang mga isolated rainshowers at thunderstorms.
Magdala ng payong dahil magkakaroon ng mga pag-ulan sa ilang bahagi ng Visayas at Mindanao.
Katamtaman ang mararamdamang init sa dalawang rehiyon kung saan nasa 34°c ang maximum temperature partikular sa Zamboanga.
Banayad din ang mga alon kaya ligtas pumalaot ang mga mangingisda at maliliit na sasakyang pandagat.
*Sunrise: 5:27 ng umaga* *Sunset: 6:18 ng gabi*
Facebook Comments