Magiging maulan pa rin sa ilang bahagi ng bansa kahit ngayong weekend!
Ayon kay DOST-PAGASA weather specialist Meno Mendoza – nakakaapekto sa Luzon ang northeast monsoon o hanging amihan.
Umiiral naman ang tail end of cold front sa silangang bahagi ng katimugang Luzon at Kabisyaan.
Kaya bukod sa malamig na panahon, asahan ang mga mahina hanggang sa katamtamang ulan.
Ang natitirang bahagi ng Visayas at buong Mindanao ay magiging maaliwalas ang panahon na may isolated thunderstorms.
Facebook Comments