Manila, Philippines – Asahan ang mas malamig na panahon ngayong weekend sa buong bansa.
Ayon sa PAGASA, patuloy nating mararanasan ang malamig na klima dahil sa hanging amihan kung saan posibleng bumaba pa ang temperatura.
Sabi ng weather bureau, maari nating maramdaman ang peak ng paglamig ngayong buwan hanggang Pebrero.
Dito sa Metro Manila, mas mararamdaman ang lamig sa Quezon City dahil malapit sa mga bundok sa Rizal.
Sa Baguio City, naitala naman ang pinakamababang temperatura sa 13 degrees Celsius.
Samantala, tail end ng cold front ang nagpaulan kahapon sa Bicol Region at Western Visayas kung saan ilang bayan ang binaha sa Camarines Sur at ilang insidente ng landslide ang naitala sa Catanduanes.
Metro Manila – 24 °c
Metro Cebu – 23°c
Metro Davao – 24°c
Sunrise – 6:24am
Sunset – 5:44pm