Asahan ang paghina ng nararanasang pag-ulan.
Ito ay dahil wala munang bagyo o sama ng panahong humahatak sa hanging habagat.
Nasa labas na rin ng Philippine Area of Responsibility (PAR) 920 kilometers hilaga ng dulong hilagang Luzon.
Pero binabantayan ang Low Pressure Area (LPA) na nasa 1,510 kilometers silangan ng Infanta, Quezon.
Sa ngayon, mataas pa rin ang tiyansa ng ulan sa Metro Manila.
Buong araw naman ang ulan sa Central Luzon at Mimaropa.
Mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan naman ang asahan sa Visayas at Mindanao.
Facebook Comments