WEATHER UPDATE | Metro Manila, inalis na sa yellow rainfall warning

Bandang alas otso kaninang umaga, inalis na sa rainfall warning ang buong Metro Manila.

Ayon kay Weather Forecaster Altzar Aurelio, ang mga lugar na nasa ilalim ng yellow rainfall warning ay Cavite, Batangas, Zambales at Bataan.

Para sa mga lugar na nasa ilaim ng yellow alert ay makakaranas pa rin ng katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan.


Pinapayuhan pa rin ang mga residente sa mga mababang lugar na maging alerto sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa.

Facebook Comments