WEATHER UPDATE | NCR at ilang katabing lalawigan, isinailalim sa heavy rainfall warning alert

Nagtaas ng heavy rainfall alert ang PAGASA sa Metro Manila at ilang lalawigan dahil sa pinaigting na southwest monsoon o habagat na lalo pang pinalakas ng bagyong Karding.

Sa advisory ng PAGASA, itinaas sa red warning level ang Metro Manila at Rizal habang yellow warning level naman sa Bataan, Pampanga, Bulacan at Northern Quezon.

Ibig sabihin, nakararanas ng intense rainfall ang mga nabanggit na lugar.


Malaki rin ang posibilidad ng pagbaha sa mga nabanggit na lugar lalo na sa mga low-lying area.

Samantala, makakaranas naman ng mahina hanggang sa katamtaman na kung minsan ay pabugso-bugsong buhos ng pag-ulan sa Zambales, Tarlac, Nueva Ecija, Laguna, Cavite, Batangas at mga nalalabing parte ng Quezon sa susunod na tatlong oras.

Facebook Comments