WEATHER UPDATE | Northeasterly wind flow, patuloy na umiiral sa bansa

Manila, Philippines – Umiiral pa rin sa bansa ang northeasterly wind flow o hanging galing sa hilagang silangan ng bansa.

Mainit na panahon na may paminsan-minsang ulan ang dala nito sa malaking bahagi ng bansa.

Asahan ang ulan sa Cagayan Valley, Aurora at Quezon Provinces.


Magiging maulan din sa Bicol Region, Mimaropa sa silangang bahagi ng Visayas at Mindanao.

Sa Metro Manila, kahit mainit ay mataas din ang posibilidad ng ulan sa hapon o gabi.

*Sunrise: 5:50 ng umaga*
*Sunset: 6:08 ng hapon*

Facebook Comments