WEATHER UPDATE | Ompong, bahagyang humina habang binabayo ang southern China

Patuloy na humina ang typhoon Mangkhut o bagyong Ompong habang tinutumbok ang southern China.

Huling namataan ang bagyo sa layong 935 kilometers hilagang kanluran ng extreme northern Luzon.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 130 kilometers per hour at pagbugsong nasa 180 kilometers per hour.


Kumikilos ito northwest sa bilis na 30 kph.

Kahit nakalabas na ng bansa ang bagyo, palalakasin nito ang hanging habagat.

Asahan ang mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan ang Zambales at Bataan.

Ang natitirang bahagi ng Luzon kasama ang Metro Manila ay magiging maulap ang panahon pero asahan ang localized thunderstorms sa dakong hapon o gabi.

Maulap din sa buong Visayas na may posibilidad na isolated thunderstorms.

Maaliwalas ang panahon sa buong Mindanao.

Samantala, isang Low Pressure Area (LPA) na nasa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Ito ay nasa 1,980 kilometers silangan – timog silangan ng southern Mindanao.

Mababa ang tiyansa nito na maging bagyo.

Facebook Comments