Humina pa ang bagyong Ompong habang kumikilos ito ng west-northwestward.
Sa latest weather bulletin ng PAGASA, nasa 160 kilometer per hour na lang ang taglay na lakas ng hangin ng bagyong Ompong habang 195 kilometers per hour na lang ang pagbugso ng hangin ng bagyong Ompong.
Patuloy ding pinalalakas ng bagyong Ompong ang southwest monsoon na nakakaapekto sa malaking bahagi ng Luzon at Visayas.
Pero kahit na bahagyang humina, ayon sa PAGASA nananatili pa rin ang storm signal warning sa ilang lalawigan.
Habang signal number 2 naman sa Batanes, Cagayan, Babuyan Group of Island, Isabela, Nueva Vizcaya, Quirino, Pangasinan, Zambales, Tarlac, Pampanga, Bulacan, Nueva Ecija at Aurora.
At signal number 1 naman sa Metro Manila, Bataan, Rizal, Cavite, Laguna, Batangas, Lubang Island sa Occidental Mindoro at sa hilagang bahagi ng Quezon kasama na ang Polillo Island.