WEATHER UPDATE | Ompong, napanatili ang lakas; Signal no. 2 nakataas na sa Isabela

Napanatili ni bagyong Ompong ang lakas nito habang papalapit ng northern Luzon.

Huling namataan ang bagyo sa layong 740 kilometers silangan ng Infanta, Quezon.

Nananatili pa rin ang lakas ng hanging nasa 205 kilometers per hour at pagbugsong nasa 255 kilometers per hour.


Ayon kay DOST-PAGASA Weather Specialist Samuel Duran, tinatahak pa rin nito ang Cagayan-Isabela area.

Posible na itong tumama ng lupa pagdating ng Sabado ng madaling araw.

Nakataas ang tropical cyclone warning signal number 2 sa Isabela.

Signal number 1 naman sa sumusunod na lugar:
Northern Luzon:
Batanes, Cagayan (kasama ang Babuyan Group of Islands), Apayao, Abra, Kalingan, Mountain Province, Ifugao, Benguet, Pangasinan, La Union, Ilocos Norte, Ilocos Sur, Quirino at Nueva Viscaya.

Central Luzon:
Aurora, Pampanga, Bataan, Zambales, Tarlac, Nueva Ecija at Bulacan.

Southern Luzon:
Metro Manila, Rizal, Cavite, Batangas, Laguna, Quezon (kasama ang Polillo Islands) Northern Occidental Mindoro, Masbate, Marinduque, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Albay, Sorsogon, Burias at Ticao Islands

Eastern Visayas:
Northern Samar
Aabot sa 900 kilometro ang diameter ng bagyo kaya malawak at napakaraming lugar ang maapektuhan nito.

Facebook Comments