WEATHER UPDATE | Paeng, hindi inaasahang magla-landfall sa Pilipinas

Bumagal pero napanatili ng typhoon Paeng ang lakas nito habang papalapit sa Batanes-Taiwan area.

Alas 10:00 kaninang umaga, huling namataan ang mata ng bagyo sa layong 720 kilometers silangan ng Basco, Batanes.

Taglay pa rin nito ang lakas ng hanging aabot sa 200 kilometers per hour at pagbusong 245 kph.


Base sa forecast ng PAGASA, hindi pa rin ito inaasahang magla-landfall sa Pilipinas.

Sa ngayon, makararanas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm sa Western Visayas, Zamboanga Peninsula, ARMM at Soccsksargen.

Habang sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa magiging maganda ang panahon maliban sa pag-ulan sa hapon o gabi bunsod ng localized thunderstorm.

Inaasahang lalabas sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyo sa Sabado o Linggo.

Facebook Comments