WEATHER UPDATE | Pag-ulan sa kanlurang bahagi ng Luzon, asahan ngayong araw

Asahan pa rin ang mga pag-ulan sa kanlurang bahagi ng Luzon dulot ng hanging habagat.

May kalat-kalat na pag-ulan sa Batanes at Babuyan Group of Islands, Ilocos Region, Cordillera, Zambales, Bataan, Cavite, Batangas, Occidental Mindoro at hilagang bahagi ng Palawan.

Sa natitirang bahagi ng Luzon kasama ang Metro Manila ay magiging maulap habang may pag-ulan dulot ng localized thunderstorms sa hapon o gabi.


Maganda ang panahon sa Visayas at Mindanao.

Ligtas na makakapaglaot ang mga mangingisda at maliliit na sasakyang pandagat sa anumang baybayin ng bansa.

Pero ibayong ingat lang sa mga maglalayag sa hilaga at silangan Luzon dahil magiging katamtaman hanggang sa maalon ang dagat.

Sunrise: 5:43 ng umaga
Sunset: 6:16 ng gabi

Facebook Comments