WEATHER UPDATE | PAGASA, nagbabala na hanggang 2 bagyo pa ang papasok sa bansa

Nagbabala ang PAGASA na hanggang dalawang bagyo pa ang papasok sa bansa ngayong buwan ng Nobyembre.

Paalala ng PAGASA, mas malalakas ang mga bagyong nararanasan ng bansa tuwing buwan ng Nobyembre hanggang Disyembre.

Dahil dito, pinag-iingat at pinaghahanda ang publiko sa posibleng sama ng panahon na mabubuo ngayong buwan.


Samantala, asahan pa rin ang magandang panahon ngayong weekend.

Ayon sa PAGASA, bahagyang maulap hanggang sa maulap na panahon ang mararanasan sa buong bansa hanggang sa matapos ang Undas.

Mainit naman pagsapit ng tanghali at pagsapit ng hapon hanggang gabi ay asahan lamang ang mga ‘localized thunderstorms’.

Patuloy lamang na nakakaapekto sa Batanes Group of Island ang dulong bahagi ng tropical depression ‘Yutu’ o bagyong Rosita.

Nakataas pa rin ang gale warning sa Batanes at baybayin ng Ilocos Provinces kaya pinagbabawal ang pangingisda at pagpalaot ng mga maliliit na sasakyang pandagat.

Ang temperatura sa buong bansa ay nasa 25 hanggang 33 degree Celsius.

Facebook Comments