Opisyal ng nag-tapos ang panahon ng habagat o southwest monsoon.
Ayon sa PAGASA, ang paghina ng habagat ay siya namang paglakas ng high pressure system sa Asian continent at ang pattern na ito ay magtutuloy-tuloy na sa northeast moonsoon o amihan season.
Kaya asahan na ang malamig na simoy ng hangin.
Samantala, makakaapekto naman sa ilang bahagi ng bansa ang easterlies o hanging nagmumula sa dagat-pacifico.
Dahil dito, asahan na ang maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa Bicol Region, Eastern at Central Visayas.
Maaliwalas na panahon naman ang iiral sa nalalabing bahagi ng bansa kasama na ang Metro Manila pero may posibilidad pa rin ang biglaang pag-ulan dulot ng localized thunderstorms.
Ligtas naman sa paglalayag ang mga baybaying dagat ng bansa sa anumang uri ng sasakyang pandagat.