WEATHER UPDATE | Panibagong bagyo, posibleng pumasok sa bansa

Manila, Philippines – Isa pang bagyo ang posibleng pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong Enero.

Ayon sa Weather Bureau, may tyansang tumama ang bagyo sa
Sa Eastern Visayas o Bicol Region.

Samantala, ngayong weekend umiiral pa rin ang hanging amihan at easterlies sa malaking bahagi ng bansa.


Sa Luzon, asahan ang isolated rainshower sa Cagayan Valley, Aurora at Palawan.

Dito sa Metro Manila, magiging maaliwalas ang panahon maliban nalang sa scattered rainshower sa hapon o gabi.

Maghapon naman ang ulan sa Eastern at Western Visayas habang sa Mindanao, asahan ang fair weather maliban sa Caraga at Davao region dahil sa thunderstorm.

Metro Manila 25-32 degrees celcuis
Baguio City 16-23 degrees celcuis
Metro Cebu 25-30 degrees celcuis
Metro Davao 24-30 degrees celcuis

Sunrise – 6:22am
Sunset – 5:40pm

Facebook Comments