WEATHER UPDATE | Rosita, napanatili ang lakas at nagbabantang mag-landfall sa katimugang Isabela ngayong umaga

Napanatili ng typhoon Rosita ang lakas nito.

Namataan ito sa layong 130 kilometers silangan – hilagang silangan ng Casiguran, Aurora.

May lakas ito ng hanging nasa 150 kilometers per hour at pagbugsong nasa 185 kilometers per hour.


Kumikilos ito pa-kanluran sa bilis na 20 kph.

Inaasahang magla-landfall ito sa Southern Isabela sa pagitan mamayang alas-5:00 hanggang alas-7:00 umaga.

Direktang dadaanan nito ang Aurora, Isabela, Quirino, Ifugao, Nueva Viscaya, Benguet at La Union.

Nakataas ang tropical cyclone warning signals sa sumusunod:
Signal number 3:
Isabela
Quirino
Northern Aurora
Nueva Vizcaya
Ifugao
Benguet
La Union
Ilocos Sur
Mountain Province
Pangasinan

Signal number 2:
Cagayan
Ilocos Norte
Apayao
Abra
Kalinga
Tarlac
Nueva Ecija
Northern Quezon including Polillo Island
Southern Aurora
Zambales
Pampanga
Bulacan

Signal number 1:
Southern Quezon
Batanes and Babuyan group of Islands
Rizal
Metro Manila
Laguna
Batangas
Bataan
Cavite
Camarines Norte
Asahan ang malalakas na ulan at hangin sa mga lugar na nasa ilalim ng signal number 3 at 2.

Pinag-iingat din ang mga residente sa baybayin ng Isabela, Cagayan, Aurora, Ilocos Sur, Ilocos Norte, La Union at Pangasinan sa storm surge o daluyong na may taas na tatlong metro.

Mapanganib ding maglayag sa baybayin na nasailalim ng warning signals, eastern at western seaboards ng Southern Luzon, at eastern seaboards ng Visayas at Mindanao.

Inaasahang aalis ng kalupaan ang bagyo mamayang hapon at lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) bukas ng gabi, October 31.

Facebook Comments