WEATHER UPDATE | Severe tropical storm Rosita, nasa West PH Sea na

Humina at naging severe tropical storm na lamang ang bagyong Rosita.

Ito ay matapos tumawid sa kalupaan ng Northern at Central Luzon.

Huling namataan ang bagyo sa layong 195 kilometers kanluran – hilagang kanluran ng Dagupan City.


Taglay nito ang lakas ng hanging nasa 110 kilometers per hour at pagbugsong nasa 135 kph.

Kumikilos ito pakanluran sa bilis na 25 kph.

Nakataas na lamang ang tropical cyclone warning signal number 1 sa Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Benguet, Zambales at Pangasinan.

Patuloy pa ring makakaranas ng katamtaman hanggang malalakas na pag-ulan ang kanlurang bahagi ng Northern at Central Luzon.

Mamayang gabi ay inaasahang lalabas na ang bagyo sa Philippine Area of Responsibility (PAR).

Facebook Comments