Manila, Philippines – Patuloy na binabantayan ng PAGASA ang panibagong Low Pressure Area sa labas ng bansa.
Alas-3:00 kaninang hapon, huling namatan ang LPA sa layong 1, 025 kilometers silangan ng basco, batanes.
Wala pa itong direktang epekto sa bansa dahil habagat pa rin ang nagdadala ng mga pag-ulan sa Southern Luzon at Visayas.
Dahil dito, patuloy na makararanas ng kalat-kalat na pag-ulan na may kasamang pagkulog at pagkidlat ang Cavite, Batangas, MIMAROPA, Bicol region at Visayas.
Magandang panahon naman ang iiral sa Metro Manila at sa nalalabing bahagi ng bansa.
Dito sa kamaynilaan, ang araw ay lulubog mamayang alas 6:05 ng gabi at sisikat alas 5:44 ng umaga bukas.
Facebook Comments