WEATHER UPDATE | Storm signal number 1, itinaas sa Eastern Samar

Manila, Philippines – Isinailalim na sa storm signal number 1 ang lalawigan ng Eastern Samar.

Ayon sa PAGASA, bahagyang nagbago ng direksyon ng bagyong ‘Urduja’ habang papalapit sa bahagi ng Sorsogon at hilagang Samar.

Huling namataan ang bagyo sa layong 395 kilometro silangan ng Guiuan, Eastern Samar.


Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometers per hour at pagbugsong 65 kph.

Inaasahang kikilos ang bagyo sa direksyong hilagang-kanluran sa bilis na 7 kilometers per hour.

Biyernes ng gabi o Sabado ng umaga inaahasang magla-landfall sa eastern Visayas ang tropical depression Urduja.

Bukod sa bagyo, magdadala rin sa kalat-kalat na mga pag-ulan at thunderstorm ang tail-end of a cold front sa buong kabisayaan at Bicol region.

Uulanin din ang Mimaropa, Cavite, Laguna, Batangas at Rizal habang mahinang pag-ulan ang mararanasan sa Metro Manila, Cagayan Valley, Cordillera at Central Luzon.

Northeast monsoon o hanging amihan naman ang nakaaapekto sa northern Luzon.

Facebook Comments