WEATHER UPDATE | Summer season, opisyal nang idineklara ng PAG-ASA

Manila, Philippines – Opisyal nang idineklara ng PAG-ASA ang pagsisimula summer o summer season.

Isa sa naging batayan ng deklarasyon ay ang pagkawala ng hanging amihan.

Ikalawa ay ang pag-iral ng easterlies o mainit na hangin na nagdadala rin ng pag-ulan.


Ngayon araw, may mahihinang ulan pa rin sa silangang bahagi ng bansa lalo na sa Bicol Region, Eastern Visayas at Caraga Region.

Sa Metro Manila, magiging mainit ang panahon na posibleng umabot sa 40 degrees celcius ang heat index.

Asahan na ang maalinsangang panahon na aabot sa 26 hanggang 36 degrees celcius.

*Sunrise: 5:45 ng umaga*
*Sunset: 6:09 ng gabi*

Facebook Comments