Manila, Philippines – Tatlong weather systems ang nakakaapekto sa bansa.
Umiiral ang *hanging amihan* sa Northern at Central Luzon.
Apektado ng *tail-end of cold front* ang silagang bahagi ng Southern Luzon.
Namamayagpag naman ang Intertropical Convergence Zone (ITCZ) sa Mindanao.
Mayroon ding *Low Pressure Area (LPA)* na nasa labas ng Philippine Area of Responsibility.
Sumilong sa *Luyang Cave Park* sa Catanduanes dahil may mga kalat-kalat na pag-ulan ang Bicol, MIMAROPA at Quezon Province.
Tawirin ang *Old Dampol Bridge* sa Nueva Viscaya habang may mahihinang pag-ulan sa Cagayan Valley, Cordillera Region at Aurora.
Tuklasin ang ganda ng *Campomanes Beach *sa Sipalay, Negros Occidental habang may kalat-kalat na pag-ulan sa buong Visayas.
Hindi matatago ang pagbighani sa *Tinago Falls* Sa Iligan City kahit may isolated thunderstorms sa Mindanao.
Kasabay ng dry-run ng *High Occupancy Vehicle lane sa EDSA *ngayong araw, maulap ang panahon sa Metro Manila maging sa natitirang bahagi ng Central Luzon at buong Ilocos Region.
*Baguio city – 17°c*
*Tagaytay – 22°c*
*Metro Manila – 26°c*